Ngayon lang ako nakapagpost... Pano kasi gabi na ako nakauwi nung Friday, 10pm. Saglit lang ako nag-online, pinatigil na rin kasi ako sa paggamit ng pc. Inabot pa rin ako ng umaga kasi kausap ko si Pax sa phone hanggang madaling araw dahil balak din niya sumama sa gaganaping EB ng guild ngayong Sat pero nalalabuan siya kung papaano at saan magmemeet, idagdag pa yung mga kwentuhan. Tapos kahapon naman halos buong araw ako ala dito sa bahay dahil EB nga at inuman sa Mandaluyong so ngayon lang talaga ako nagkaron ng oras para magblog.
Naging sobrang busy ako this week, walang pasok nung Monday at sa wakas natapos na rin yung nakakasukang exam ko sa English 11 ( huhu...malamang bagsak ako dun). Nung Tuesday dami ginawa ng Sec, gabi na ako umuwi. Nitong week ko lang narealize na nageenjoy na pala ako sa mga trabaho sa org. Nung Wednesday di rin ako umuwi agad ng apartment, kakagulat nga eh kasi gusto ko lagi nasa apartment agad at nagpapahinga, pero nagstay ako dun para umattend ng seminar ng Pinoy Digi Art, at buti na lang dahil gustong gusto ko rin pala yung naging topic. Crash courses bout Photoshop, Flash at 3Dsmax (not sure) tapos pumunta pa President ng Anino Company (creator ng Anito game) para magdiscuss. Nanalo ako sa raffle ng Free 1 HR computer rent sa Netopia! (duh...) then nung Thursday, exam ko sa English. Kakasuka talaga mag-interpret ng poems, kaya nga ako nag-Engineering e T_T Tapos nitong Friday, natempt ako na umabsent sa GE 1 class ko, pero umattend na lang kame ( buti na lang dahil exam na pala namen next week! pero la pa rin ako natututunan...) at sa Anthro 1 class ko na lang ako umabsent. Kasi, sikretong malupit. Joke, yung shoes ko, bilang naging madaldal. E tutal last class ko sa Engg building din, so Anthro 1 lang yung malayo, baka matuluyan sapatos ko pag naglakad pa ako. Instead, tumulong na lang ako sa booth ng Giz mo To sa Engg Lobby. Nakakaenjoy rin talaga. Umattend pa kame symposium kaya nalate talaga uwi namen dito sa Munti. Swerte ni Shie dahil isa siya sa limang mapalad na nabunot sa raffle at nanalo ng parang internet router/hub. Di bale, di naman ako umuwing luhaan. Nanalo ako ng..... black bag sa iGlobe raffle. -_-
Wala na ako masiyadong nagawa sa bahay pagkauwi. Saglit lang nagcomputer at nakipagusap kay Pax/Kuina ( ang idol kong sig/avatar-maker). Nung Sabado ng umaga, kala ko di na ako makakasama. 9:30 na ako nagising, tapos 10:30 pa nakauwi si Kuya, buti naabutan niya ako kahit papaalis na talaga ako nun. Una kong nameet si Pax, sa McDo ATC, kala namen late na kame, yun pala kame pa maghihintay sa iba. Nakisabay kame kina Kuya Erol, dumaan pa kame ng Megamall para sunduin yung iba at inabot kame ng 2pm, kaya nde na kame nakakain ng lunch ni Ate Cath. Actually, di pa nga ako nagaalmusal nun T_T Siege time, ang daya dahil lahat sila nasa 2nd flood ng computer shop ni Kuya Bong at kameng mga nahuli ay sa 1st floor! pif. Ang dami kong nameet dun, old and new guildmates and friends from Genesis, Retalation, Unholy. Nameet ko na nung summer ang Emmsy guild, ngayon finally nameet ko na Rodney guild members. Nag EB na kasi sila last Sat pero di ako nakasama. Tapos ng siege, onting laro, at deretso sa... Total para mag-inuman! Ambag-ambagan sa pambili ng inumin, Colt 45. Binilhan nila kame mountain dew, pero nung tumagal natempt din ako uminom o subukan man lang ang Colt 45. Isang baso pa lang hilo na ako, natempt ako lalo na uminom kasi ang gaan sa ulo. Hanggang sa nahihilo na talaga ako at inaantok, nalalaman ko yung ginagawa ko pero nawawalan ako ng control, parang nagwawala tuloy ako. Natutulog akong nakasubsob ang mukha ko sa madumi at basang mesa (kasalanan ko rin, kinalat ko kasi yung yelo dahil wala na ako sa sarili). Salamat kay Roger dahil inoffer niya na sa jacket nya ako matulog para di na ako mabasa pa lalo. Nahawa kasi ako kay Ate Cath, ginawa niyang panulak ng kinain niyang pizza yung Colt 45 dahil ubos na mountain dew namen. Lagpas 12am na nung nagbalak magsiuwian ang mga natira, sumabay kame kina Kuya Erol papauwi at hinatid pa yung iba kaya 2am na kame nakauwi. Bago kame tuluyang umuwi, kumain muna ako, Kuya Alps at Kuya ko ng goto dahil di pa kame kumakain ng maayos. At xempre, kaya masaya at may ganito katinding EB + celebration ay dahil birthday ng Kuya ko at ni Kuya Alps ngayon.
Ngayon heto ako, late nagising. Mag-aaral pa pala ako dahil exam ko sa Math 114 bukas, pero mejo review lang dahil napag-aralan na naman namin yun sa ES 21 last sem. Sige, enjoy na lang sa pagtingin ng pix.

Ced, Stan, Tin, Cath, Blue192

Ced, Stan, Tin, Er, Cath, Noreen

Tin, Cath, Erol, Dodi

Noreen, Tin

Cath, Rodney, Erol, Dodi

Noreen, Tin, Cath
Alvin, Pax

Kapatid ni Mallows, Mallows, Noreen

Epitome Menyaks
Sideview ng mga Menyaks

Hmm... sino tong tumbang to?

Eto pa... ako ba yan?

Epitome Guild and friends :)
Ang saya namin di ba? :)

poof;
snowcookie* yelled @6:32 PM
#####
yesterdays.
;;x
July 2005
August 2005
November 2008