Yay. Bakit daw English post ko sabi ni Cid, sige ngayon hindi na, kahit para sa post lang na ito. Siguro nga i suck! Nahihirapan din ako mag-ingles noh! (Nde ako English major, engineering student po... hahahaha stupid ng sinabi ko :P) Naninibago din sakin yung mga ibang kakilala ko na nakakabasa nito, wah bakit? Dahil ba mushy (according to John) yung una kong blog? Yay. Di ako change image, talagang bahagi na to ng sarili ko. Si Tin na bad girl at bitter.
Parang may bumabagabag pa rin sakin kahit tapos ko na yung machine problem ko na talagang inalala ko ng ilang Linggo. Hmm, siguro dahil kinakabahan ako umattend ng Anthro 1 class ko tom at magtake ng 1st long exam sa English 11 sa Thursday. Yax kasi, yung 2 subjects na yun puro basa, basa, basa. E tamad nga ako magbasa kaya nag Engineering ako, para mas madalas yung solve at hindi basa. Peste talaga GE magpakailanman.
Kahapon inaway ko si Kuya habang natutulog siya, kauuwi lang niya nun. Naasar kasi ako, paker ambobo. In-off nya super merchie bot ko nung Sat, 2x experience pa naman Ragnarok ngayon, e sa Tuesday pa ulit mau-up ng tagabot ko. Can't relate dahil non-RO player? O sige. Basta may atraso sakin si Kuya. Tapos nagbangayan kame hanggang sa naasar na siya talaga sakin at sinuntok ako sa likod ng dalawang beses. Weeeee~ winarn na nga niya ako na may hang-over pa siya, pero tuloy-tuloy pa rin pang-aasar ko sa kanya. Ang maldita ko talaga.
Ngayon wala nga palang pasok. As usual, buong araw nakaupo sa harapan ng pc. 2 RO accounts may load, pero ayaw maglaro. Saglit lang, tigil na rin laro after makagawa ng Straw Hat. Eto download na lang ng mga kanta courtesy of John (Weeee salamat neighbor! :D ). Kakaadik Session Road, galing kasi nila nung Freshteeg Concert. Hanggang ngayon wala pa rin magawa kaya blog na lang. Bakit kasi walang pasok, sabagay gusto ko rin naman na walang pasok para makapagpahinga ulit ako. Balita ko kasi dami din naghahanda sa Up para sa rally. x_x
Sige, tama na siguro muna to. Tinatamad na talaga ako argh. bb~

poof;
snowcookie* yelled @5:20 PM
#####
yesterdays.
;;x
July 2005
August 2005
November 2008